Super Gabay Module 2

Parents Who Connect!

Makakamit natin ang de-kalidad na edukasyon para sa mga mag-aaral kung magtutulungan ang mga magulang at mga guro—kung ang mga mag-aaral ay makakukuha ng akmang suporta mula sa kanilang guro sa paaralan, at akmang suporta mula sa kanilang mga magulang sa kanilang tahanan.

Sa module na ito, inaasahang mapagtitibay ang koneksyon ng guro at magulang—pati na rin ang koneksyon sa pagitan ng magulang at anak—sa pamamagitan ng pagpapalawak ng pag-unawa sa kakayahan at tungkulin ng magulang sa kanilang anak, sa pag-unawa sa pangangailangan ng kanilang anak sa pag-aaral, at pangangailangan ng mga guro para sa pag-aaral ng kanilang anak.