The past week has been overwhelming in every sense of the word. Ang daming kailangan gawin kapag bagong lipat ka, at ang daming kailangan matutunan. Pero higit sa kung anong jeep, multicab, rela, o sikad ang sasakyan at kung paano ba mag-Bisaya para mas makaintindi at maintindihan ako, madami pa palang bagay na kailangan matutunan.
Hindi lamang bilang isang bagong guro sa isang bagong lugar, kundi bilang isang Pilipino.
- Natutunan ko kung gaano kahalaga sa mga bata ang kanilang mga guro nung may isang batang nagtanong sakin:
“Teacher Liane, 2 taon ka lang dito? Dapat 3 kasi mamimiss kita.”
- At noong may batang lumapit para magsabing:
“Cher, turuan kita magBisaya para makapagkwentuhan tayo.”
- Natutunan ko kung gaano ka Tagalog-centric ang pag-iisip ko (at marahil ng karamihan) noong sinabi ni Kapitan na:
“Kung muadto mi sa Manila ag salimuang mi ug tinagalog bantug kamo nga naa dinhia maoy magtuon ug binisaya. Kamu napud
ang mag-adjust.”
(“Kapag pumupunta kami ng Manila kami yung nangangapa na magTagalog kaya kayo na nandito mag-aral kayo magBisaya. Kayo naman mag-adjust.”)
- Natutunan ko kung gaano kalaki ang epekto ng diskriminasyon sa mga Mindanaoan, lalo na sa mga kababayan nating Muslim nung may co-teacher akong nagpakilala sa’kin:
“Hi, Teacher Liane! Ako si Ma’am —–. Muslim ako, pero hindi ako terorista ha?”
- At higit sa lahat, nadama ko kung gaano kalaki ang epekto sa mga bata ng mga pangyayari sa Marawi at sa Mindanao, nung sa isang sa Gr. 3 section na tinuturuan ko ng AP ay dinumog ang PH map na dinikit ko sa blackboard:
“Cher, nasaan po ang Marawi? Malayo po ba yun dito? May bagong classmate kami galing dun.”
Ilan lamang ang mga ito sa aming mga nakita, narinig, at naranasan sa nakalipas na isang linggo… at alam kong umpisa pa lamang ito.
Kaya #LabanMacabalan. Padayon lang. Sama-sama nating haharapin kung ano man ang darating.
5 kwento.
3 araw bilang guro.
1 pusong iaalay ng buo.
#ParaSaBata at #ParaSaBayan