Super Gabay Module 4

Parents Who Teach!

Bago ang taong 2020, maaaring nakasanayang nagtatapos na ang pag-aaral ng mga mag-aaral paglabas nila ng paaralan. Ngunit ngayon, dahil sa online classes, mas dama ang pangangailangang suporta ng mga mag-aaral mula sa kanilang mga magulang habang nag-aaral sila sa loob ng tahanan. Kabilang sa suporta na inaasahan mula sa mga magulang ay ang pagtugon sa pangangailangan ng mga app o gadget, Internet connection, at higit sa lahat ay ang paggabay sa kanilang pag-aaral.