Hi-Teach Module 3.1
Digital Tools for Teachers
Sa module na ito, matutulungan ang mga guro na matukoy at magamit ang mga tamang tool o app para sa pagtuturo. Kabilang dito ang iba’t ibang mga app na nababagay gamitin sa pagpaplano ng lesson, pagsubaybay sa pag-aaral ng mga mag-aaral, at pagsusuri o pag-evaluate sa mga pagsasanay ng mga mag-aaral. Ang module na ito ay dinisenyo upang magabayan ang mga guro na mapakinabangan ang mga tool na pinakaangkop sa kanilang level of access at pangangailangan.
Hi-Teach Module 3.2
Digital Citizenship for Teachers
Ano ang digital citizenship at bakit ito mahalaga bilang isang guro? Magbibigay-unawa ang module na ito kung ano ang digital literacy, kung ano ang mga karapatan at tungkulin na sakop ng pagiging digital literate, at pati na kung ano ang inaasahang kakayahan ng isang ganap na digital citizen.
Hi-Teach Module 3.3
Supporting Students’ Digital Literacy
Tukuyin ang kaalaman ng mga mag-aaral pagdating sa digital literacy at digital citizenship, at sukatin ang kanilang mga kakayahan at ang mga kailangan pa nilang matutunan upang makagawa ang mga guro ng lesson plan na makatutulong upang makamit ng mga mag-aaral ang kanilang digital citizenship.
Hi-Teach Module 3.4
Cyberbullying
Ano ang cyberbullying? Sa module na ito, aalamin ng mga guro kung ano ang cyberbullying, ang iba’t ibang anyo nito, at kung paano nito posibleng maapektuhan ang pag-aaral ng mga mag-aaral. Inaasahang sa pagtatapos ng module na ito ay makalilikha ang guro ng tama at akmang lesson plan para maiwasan ang cyberbullying at maisulong ang ligtas na learning environment para sa lahat ng mag-aaral.