TEACHER PARENT

Hi, Teach!

Sa panahon ngayon, maituturing na isang pangangailangan ang magturo gamit ang teknolohiya. Kung kayo ay napi-pressure, nalilito, o naninibago sa paggamit ng teknolohiya para sa inyong mga klase, maaaring gamitin ang mga module na ito para matutunan kung ano ang wastong teknolohiya para sa inyong pangangailangan.

Ang mga module na ito ay nilikha upang makatulong sa inyo at sa inyong mga mag-aaral, hindi lamang para maunawaan kung paano sulitin ang digital tools kundi para rin palawakin ang kaalaman at kakayahan ng mga mag-aaral sa paggamit ng teknolohiya. Matututunan din dito kung paano makipagtutulungan sa mga magulang o guardian para masiguro ang maayos at tuluy-tuloy na pagkatuto ng mga mag-aaral kahit sa remote learning.