So today was one of the worst days ever.
Sinabihan ako ng student ko na “t*ngina naman oh”, tas kinuha niya chalk box ko tas tinapon sa floor. Bukod pa dito, nagwala isa pang estudyante ko (from the same class), nagmumura din, pinagtatatapon yung mga silya sa classroom at nagwawala.
Slowly, napoprocess ng utak ko yung nangyayari. Tas nafefeel ko na, ayan na yung tears!! Pero hindi pwede umiyak!! Buti may baon akong tubig so inom nalang tas hinga nang malalim. Pero hindi ko pa rin fully matanggap yung nangyari.
Sa utak ko iniisip ko- “Hala, eto na yung dahilan kung bakit nagqquit yung ibang fellows. Baka kaaway ko na tong mga batang to. Baka masaktan na nila ako, baka masaktan ko na rin sila. Delikado na!!” Tas literal na ang bigat sa dibdib. Buong araw ako nagbubuntong-hininga, tulala, ganyan. Iniisip ko nalang, sana mas kalmado nalang akong tao. Siguro kung hindi intense feelings ko, di ako masyadong masasaktan at kalmado parin ako nung nangyari yun.
Pero pagkatapos ng ilang oras ng alone time- kumain sa Recovery Foods (literal na recovery) at uminom ng milk tea, nagccheck nalang muna ako ng test papers. Tas tinitignan ko mga drawing ng bata sa test paper nila- mga Christmas tree, snow flake, ganyan. Naisip ko lang, ay ang cute. Cute talaga ng mga bata ko. Sobrang nakakatuwa sila.
Tas yun, narealize ko- sobrang saya ko rin sa school. Sobrang saya ko pag nakekwentuhan nila ko, o pag nakikita ko drawings nila. Ang saya ko pag pumupunta sila sa library nang umaga, tas nagpapractice magbasa, tas siyempre kwentuhan din pagkatapos. Ang saya ko pag nakikita ko silang nagdadrawing at naggugupit ng christmas decors para sa classroom nila. Ang saya ko pag pupunta sila sa Robinsons, tas sasabayan ko sila bumili ng pagkain. Ang saya ko pag pauwi na, tas makikita nila ako pauwi, tas magbbye sila sakin mula sa tricycle o motorsiklo na sakay nila. Ang simple lang, pero ang saya.
Kaya sa mga kasong ito, hindi masamang magkaroon ng intense na feelings. Siguro kung hindi intense ang feelings ko, di ko man lang sinubukan magturo sa public school. Kung hindi intense feelings ko, wala akong pake sa kung ano mangyari sa bansa. Siguro, kung hindi intense feelings ko, hindi rin ako magiging tunay na masaya.
So, ayun. Salamat, Lord, sa araw na ito.
Teacher Michelle graduated with a degree in Psychology in 2015 and currently teaches in Pasong Tamo ES in Quezon City. Reposted from her facebook page with her permission!