Super Gabay Module 1

Parents Who Can!

Ano ang digital literacy at bakit kailangan ito matutunan ng mga magulang? Isa sa mga pinakamahalagang bahagi ng digital literacy ay ang kakayahang hanapin ang pinagmulan ng isang balita, at suriin kung ito ay makatotohanan at mapagkakatiwalaan. Tungkulin ng mga magulang na turuan ang kanilang anak kung paano maging mapanuri sa impormasyon na kanilang nakakalap sa Internet, at kung paano tukuyin ang impormasyong dapat nilang paniwalaan o pagkatiwalaan.