Super Gabay Module 3

Parents Who Build!

Dahil sa pandemya, ang mga tahanan ay kinailangang maging silid-aralan. Mas lumawak ang tungkulin ng mga magulang na maging guro ng kanilang mga anak sa tahanan. Maraming mga magulang ang nagsabing hindi sila handa sa hamon na ito, kung kaya’t sa module na ito, tatalakayin kung paano maaaring gawing pangunahing lugar para sa pag-aaral ng mga mag-aaral ang kanilang tahanan.